Monday, August 27, 2007

I know I am not an angel.

Sobrang nakakapikon.

Siyempre, alam ko ng eksena ang color green (with matching pink) hair ko. Pero ano bang magagawa nu, gusto kong maging character ng ragnarok, kaso nga lang naging sarimanok.

Ok lang naman na pagtripan nu ang hair ko, ginawa ko talaga ito para sa ikaliligaya ng buhay ko at ng mga kaibigan ko. Pero pag hindi tayo close, wag kang eepal at magfifiling filingan na close tayo, at wag mong pakikialaman ang buhok ko.

Ito kasi ang nangyari. Dahil sa matinding kaantukan at katoxican sa trabaho kanina, nag decide akong kumuha ng kape sa pantry. Dahil meron lang akong 3 minutes para kumuha ng kape at bumalik sa station ko, medyo nagmamadali ako. Paglabas ko ng pinto ng production floor biglang umepal si eminguard (lady guard), at biglang sinabi na Ano namang ginawa mo sa buhok mo? Para kang ibon! Para kang ibong adarna!" Nakakairita. Punyeta. Kilala ba kita??? Magpapalait ako sa mga kaibigan ko kasi alam ko mga kaibigan ko un, hahayaan ko na yurakan nila ang pagkatao ko kasi mga kaibigan ko un, pero ikaw, di nga kita kilala e. Anong karapatan mo na magbida jan, di ako nakikipagkaibigan sa iyo, kaya wag kang magisip na kaibigan mo ako. Taga tago ka lang ng cp ko.

No comments: